CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, January 1, 2008

akala ko andyan kapa....


mhigit ilang buwan na ang lumipas pero pakiramdam ko andyan kpa.....

akala ko ksma p kita, nakaupo sa tabi ko,, nakikipagkwentuhan, nakikipagkulitan...

pero bigla na lang akong nagising sa katotohanan na wala kna pla...

ntapos na ang taong 2007 ngunit dpa rin kta makalimutan....

ang mga sugat sa puso ko ay nandun pa rin...

ang tamis ng iyong mga ngiti mo ay nsa aking alaala pa rin...

naaalala ko pa rin ang dahilan ng ating unang pagkikita...

hbang naglalakad ako sa isang mall ay may napulot akong isang i.d.

nkita ko ang iyong larawan dun sa id at agad akong nabighani sa tamis ng iyong mga ngiti, kislap ng yong mga mata...
pagtingin ko sa likod ng id ay andun ang iyong telephone no.
pagkauwi ko ng bahay ay agad kong tinawagan ang numero sa id na iyon...
hnanap ko ang taong nsa id... "lalaine" ang pangalan nya...

sumagot sa telepono ang isang tila anghel na boses....

sinabi ko agad sa knya na ako ang nakapulot ng kanyang id at willing akong makipagkita sa kanya pra ibalik iyon sa knya....

sunday ang ating itinakdang araw upang magkita sa mall kung saan ko napulot ang iyong id...

yun nga, nang ikaw ay dumating ay biglang kinabog ang aking puso sa kaba at hiya,

nang ikaw ay lumapit at nagumpisa tayong magusap ay unti unting nawala ang kaba sa aking puso,

lumipas ang ilang araw ay lalo tayo naging close at unti unti ay nahulog ang loob q seo...

nagpasya aqng ligawan ka at pinayagan mo ako, halos linggo linggo ay nasa bahay nyo ako pra bisitahin ka at ang iyong pamilya....

lumipas ang isang taon at di mo pa rin ako sinagot,,

Aug.5, petsang di ko malilimutan, niyaya kitang lumabas at nung araw na iyon ay sinagot mo na ang puso qng tila tigang na sa paghihintay sa isang matamis na oo...

naging masaya ang bawat araw ko simula noong aug.5, pero di ko alam na agad iyong matatapos.... mtatapos sa isang pagdadalamhati...

nkatanggap ako ng isang tawag mla sa kanyang ina at di ko inaasahan na magsasabi xa ng isang rebelasyon....

may taning na daw ang buhay ni lalaine at kung maari daw ay pasayahin q xa sa nalalabi nyang buhay....
masakit tanggapin ang katotohanan na mlapit ng mwala c lalaine sa buhay ko lalo nat sobrang minahal ko na xa...
bawat araw ay may tinik sa aking puso, bawat araw ay my sugat ang aking puso.... pero kelangan ko maging matatag para sa knya....
kelangan ko ipakita sa knya na msarap mbuhay....

dumating na nga ang araw na kinakakatakutan ko...
nawala na xa.... ksama na xa ng diyos sa langit...
labis na dalamhati ang aking nadama pero ano pa nga bang magagawa ko?

di ako dapat magmukmok sa isang tabi at umiyak na lang ng umiyak...
kelangan kong harapin ang bawat bukas sa buhay ko...
kelangan kong tanggapin na wala n xa...

naalala ko ang last txt na nareciv ko galing sa knya...
"kung mawala man ako sa buhay mo ngeon ay di nyn ibig sbhin na iniwan na kita"

alam kong dapat tanggapin ko na wala na xa at dapat maging msaya ako kasi wla na xang sakit na nararamdaman at kasama na siya ni god....

araw-araw,hinahanap ko ang iyong mga ngiti...
araw-araw, hinahanap ko ang tamis ng iyong pagtawa,
pero araw-araw din, dinadala ko sa aking puso ang sakit dulot ng iyong pagkawala...

mraming tao ang nagpapaligaya sa akin pero ikaw na yta ang isa sa pinakamahalagang rason para maging maligaya aq....